"Ang Papel ng Kabataan sa Bayan"
Sinulat ni : Nikki Joyce B. Ordiz
"Kabataan ang pag-asa ng bayan" isa ito sa mga nabanggit ni Gat. Jose Rizal tungkol sa kabataan.
Ngunit sa henerasyon natin ngayon, masasabi mo pa bang tayong mga kabataan ang siyang pag-asa ng ating bayan ? Kung sa kahit saang anggulo natin tignan, parang naiimpluwensyahan na tayo ng mga makamundong kagamitan.Marami nang kabataan ngayon na imbes na gamitin sa pag-aaral ang pera, mas binibigyan pa nila ng importansya ang mga bawal na droga, Kaysa igugol ang oras sa pagskwela mas iginugogol pa natin ito sa pamamasyal kasama ang mga barkada.Marami naring mga kabataan ngayon na sa murang edad palang nagkaroon na ng sariling pamilya.Kung ito ang ating pagbabasehan, masasabi mo pa bang "kabataan ang pag-asa ng bayan" ?
Magiging pag-asa lamang tayo kun magpupursige tayo sa ating pag-aaral.Ngunit kahit mga mag-aaral ngayon ay hindi na marunong magbigay ng importansya sa mga aral na natututunan nila sa kani-kanilang mga guro.
May kasabihan nga tayo na "Ang kabataan ay hindi lang maging pag-asa ng bayan kundi dapat maaasahan din ng bayan."Maaasahan nga ba tayo ?Sa panahon ngayon, mahirap nang sagutin ang tanong na yan.Magpakatotoo lang po tayo, hindi ko ibig sirain o maliitin ang imahe nating mga kabataan sa kasalukuyan.Sa katunayan, ibig ko lamang na magising tayong lahat sa katotohanang nangyayari sa ating kapaligiran.Alam kung sumasang-ayon kayong lahat sa kasabihang "Ang tunay na studyante konting ulan lang, suspension of classes na agad ang nasa isip."
Kung ganito tayo lahat mag-isip, para narin nating sinabi na hindi mahalaga sa atin ang bawat sentimong pinaghirapan ng ating mga magulang para lang tayo ay makapagtapos ng pag-aaral.Naisip ba natin na sa bawat sentimong yun, dugo at pawis ang naging puhunan nila ?Masuwerte pa nga tayo , dahil mayroon tayong mga magulang na handang magsikap upang tayo ay mabigyan ng kinabukasan.
Karamihan pa atin ngayon ay tamad nang pumasok sa paaralan, tapos may kasabihan pa tayong nalalaman na"Hindi ka naman tamad tulad ng iniisip nila, masipag kalang talagang magpahinga." Paano natin magagampanan ang papel nating mga kabataan sa bayan, kung puro tayo kalokohan,Paano natin mapapaunlad ang ating kinabukasanKung ang ipinapairal natin sa kasalukuyan ay katamaran.Isa lang naman po ang ibig kung ipahiwatig sa gabing ito, yun ay "Magkaisa tayo sa paglaganap ng kasipagan tungo sa mga susunod nating kabataan."
Yun lamang po at maraming salamat.